Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015
Ito ang paglalahad ng karanasan ng Golden Circle tour sa Iceland mula sa isang Filipina. Noong huling winter last year, nag Golden Circle tour kami ng aking asawa na si Egill. Sabi niya sa akin ang tour na ito ay isa sa mga pinakadinarayo ng mga turista sa Iceland. Sa tour na ito nakikita ang meeting point ng Europa at America. Dahil winter noong nagpunta kami, malamig at natakpan lahat ng yelo, pero patuloy na dumadaloy ang waterfalls. Ang mga paligid ay natakpan ng puting yelo. Ang buong drive ay puro puti lang ang nakikita para sa maraming kilometro. Eto ang mga litratong nakuhanan ko.
Ito ang North Atlantic Ridge kung saan ang lupain ng Europa at America ay magmimeet.
Ito ang view.
Ito ang Gullfoss o sa Tagalog Gintong (Gull) waterfall (foss). Isa itong napakalaki at lawak na talon.
Ito ako noong nakaraang Pebrero 2015, winter at balot na balot. Tatlong jacket ang suot ko at pinilit ako mag scarf ng aking asawa kahit ayaw ko nga magsuot ng scarf dahil raw malamig at tama siya. Naka hiking boots ako na may kinabit na spikes para di madulas sa yelo. May mga part ng tour na maglalakad nang may kalayuan pero may option din na umupo lang sa tour bus. 3 months pregnant din ako noong ginawa ko ang tour na ito.
Ito naman ang geysir kung saan may mainit na tubig na biglaang magbubuga pataas. Mainit ito pero ang paligid ay balot ng yelo.
Ang salitang geysir ay mula sa Icelandic, dahil ito ay native sa Iceland. May geysirs din sa ibang parte ng mundo pero sa Icelandic kinuha ang pangalan nito.
Dito ang katapusan ng aking mga litrato. Sa susunod kong blog post, ikukwento ko naman ang aking pag tour ng Golden Circle sa summer o tagaraw, sa Hunyo 2015. Hindi na takip ng yelo ang kapaligiran, green ang mga grass at buhay ang mga halaman, may lumabas pang rainbow. Buhay na buhay ang mga talon kapag imbis na napapaligiran ng puro puting nyebe ay berdeng halamanan. Napakaganda rin ng Golden Circle sa summer.
Other interesting blogs
Chasing Waterfalls in Iceland
Iceland is spectacular in so many ways and Icelandic nature is quite unique with its vast landscape, volcanic activity, geothermal areas, glacier lagoons and sceneries, black sand beaches and spectRead moreSænautasel Turf House in the Highland of Iceland
In my search for turf houses around Iceland, I visited Sænautasel, which is a rebuilt turf house on Jökuldalsheiði heath in the highland of Iceland. It is, in my opinion, an extremely cute turf hoRead moreThe Dynamic Plant Lupine
People have been asking me where to find lupines in Iceland. If you like them you should be able to find them easily in Iceland in summer. They are in bloom and visible almost wherever you drive aroRead more
Download Iceland’s biggest travel marketplace to your phone to manage your entire trip in one place
Scan this QR code with your phone camera and press the link that appears to add Iceland’s biggest travel marketplace into your pocket. Enter your phone number or email address to receive an SMS or email with the download link.